Villa Escudero is a Registered Property, Municipality of Tiaong, Quezon located at Tiaong, Quezon, Region IV-A.
Malaki ang naiaambag sa larangang pang-ekonomiya ng bayan ng Tiaong ang pagkakaroon ng isang world class resort gaya ng Villa Escudero sapagkat malaki ang naipapasok nitong kita sa bayan sa pamamgitan ng buwis nito at gayundin ay maraming mga kababayan namin ang nagkaroon ng oportunidad na magkatrabaho.
Ito ay malaki ang ambag sa larangan ng pansining na kagandahan ng bayan ng Tiaong sapagkat ito ay kinikilala at hinahangaan maging ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ito rin ay binabalik-balikan ng mga turista na nagsasabing naging kasiya-siya at ganap ang kanilang pagbabakasyon sa pagdalaw nila sa Villa Escudero Plantations & Resort.
Masasabing naiiba ang Villa Escudero sa ibang mga lugar bakasyunan sapagkat dito mararamdaman ng mga bumibisitang turista, dayuhan man o lokal, ang aliwalas ng pagiging malapit sa kalikasan kung saan abot tanaw lamang ang pamosong bundok Banahaw na siya ring pinanggagalingan ng malinis at malamig na tubig na dumadaloy sa dam nito. Gayundin,
mararanasan ang tunay na hospitalidad at kulturang Pinoy sa bawat sulok ng resort sapagkat hatid ng mga mahuhusay na tauhan nito ang kaugaliang Pilipino sa kanilang paglilingkod. Magmula sa kanilang pakikitungo sa pagdating pa lamang ng mga bisita hanggang sa pagsakay sa mga ginayakang karosang hila ng kalabaw habang inaawitan ng kundiman, lutong Pinoy na pagkain na katakam-takam na kakainin habang nakalubog ang paa sa ilog, kultural na palabas ng mga kahanga-hangang tagapagtanghal at marami pang iba.