Caraan Heritage House is a Registered Property, Municipality of San Pascual, Batangas located at San Pascual, Batangas, Region IV-A.
Nag-iisang natitirang makalumang bahay sa Barrio Ilat South.
Mula sa taon ng pagkakatayo nito, ito ang kaisa-isahang bahay na taon-taon ay inaakyat ng Patron ng Bauan na Mahal na Poong Santa Krus (ang orihinal na Santa Krus nung ito ang siya pang iniikot sa mga barangay pag piyesta).
Nang ang Barrio Ilat South ay napailalalim sa Bayan ng San Pascual, iniaakyat na rin sa bahay na ito ang imahe ng San Pascual De Baylon.
Ito ay ginagawa pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Tinuring na tahanan ng isa sa pinakamatandang larawang imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje.
Naging tahanan ni G. Victorio T. Craaan, dating Sekretaryo sa Bayan ng San Pascual.
Nag-iisang bahay na nagtataglay ng sinaunang disenyo na may “Grand Staircase” sa kanyang harapan.
Nagtataglay din ito ng mga posteng puno tulad ng sa mga sinaunang “Bahay Kubo.”
Isa sa mga kakaunting nalalabi na may Grand Staircase.
Sa tuwing sasapit ang kapistahan ng Brgy. Ilat South, San Pascual, Batangas tuwing ika-11 ng Hunyo ay tradisyunal na ipinapanhik ang Mahal na Poong Sta Cruz at Mahal na Poon ng San Pascual De Baylon na pinagdadasalan ng mga tao.