← Back to List

Fider Ancestral House

Fider Ancestral House is a Registered Property, Municipality of San Pascual, Batangas located at San Pascual, Batangas, Region IV-A.

Ang orihinal na bahay na yari sa bato, kulay at kapis na mataas ang yari, walang silong para huwag maakyat ng mga tulisan.
Ang orihinal na bubong ay napalitan na at nabubulok na ang kahoy na kisami matitibay pa ang mga bilog na haligi at ang hagdanang bato. Capiz na bintana at kahoy na louvers ay matitibay pa pati pasamano ang mga kahoy na baluster ay sira ng lahat. Matibay pa ang kahoy na sahig at makintab pa. materyales Fuertes ang tawag sa haligi at sahig na yari sa narra at mulawin.
Maliban sa mga natural na panganib kagaya ng lindol, pagputok ng bulkan, bagyo, malakas na pag ulan, sunog, paglipas ng panahon at pagnanakaw, ang pinakamalaking pagbabadya ng panganib na kinakaharap ay ang kasalukuyang ginagawang “Road Widening” na malapit ng umabot sa istruktura. Malaki ang posibilidad na ito ay mahagip at kung magkagayon ay mawawasak ang anumang pisikal na kultura na napapaloob sa istruktura.

Open in Google Maps