← Back to List

Calanog House

Calanog House is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.

Ang Bahay ni Dada Noble Calanog ay tinatawag ding "Bahay ng Kagawad." Mahigit 200 taon ng ang bahay. Mayroong tatlong palapag ang bahay. Dati ay ginamit bilang bodega o imbakan ng palay ang unang palapag. Nasa ikalawang palapag ang sala at sa ikatlo naman ang kainan. Isa lamang ang kwarto noon dahil malimit sa sala naglalatag at natutulog ang lahat. Mayroon siyang iba't ibang uri ng ""berina"" o bahay ng mga santo. Mayroon ding malaking kawa sa ibaba at pinaglulutuan ito ng molasses.
Ang bahay ay pagmamay-ari ni Engracia Calanog Herrera at walang balak si Dada na ibenta at ilipat sa pangalan niya ang bahay. Naging shooting location din ng pelikula ang bahay na ito. Pribado ang bahay niya ngunit pinahihintulutan niyang pumasok at sumilip ang mga taong interesado sa loob.
Mayroong tatlong palapag ang bahay na ito. Maraming antigong gamit ang nasa loob. Ang mga kagamitan ay minana at ang ilan ay binili mula sa mga kamag-anak. Medyo masikip ang bahay dahil sa dami ng gamit. Walang kisame sa ikatlong palapag, dahil hindi raw nila makita kung saan may natulo kapag naulan. Orihinal pa ang mga hagdan, dingding at pinto. Yari sa adobe ang mga dingding. Hindi nagkaroon ng gitak sa mga pader kahit na lumindol. Hindi inaanay ang mga kahoy sa sahig at mga bintana. Umuuga ang tapakan ng hagdan kapag may dumaraan.
Nilagyan ng grills ang mga bintana. Inilipat ang pintuan sa silangang bahagi ng bahay. Dahil nabili ang kalahati ng bahay mula sa pamilya ng mga Cabrera, nagbutas ng dingding na adobe upang magkaroon ng pinto at magawang kusina ang isang silid. Sa unang palapag ay ginawang sala ang dating bodega o imbakan ng palay. Ginawang attic ang ikatlong palapag na dati ay dining room.

Open in Google Maps