Tahanan nina Teddy at Adelia Cuasay is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.
Tinirhan ng mga Hapon ang bahay na ito. Nilisan nila ito nang hindi sinusunog.
Ang tahanan nina G. Teddy Cuasay at Gng. Adelia Cuasay ay nasa orihinal na lokasyon nito simula noong ito'y itayo noong 1754. Mayroon itong dalawang palapag. Pagpasok ng tarangkahan ay makikita sa gawing kaliwa ang hagdanan paakyat ng isang azotea. Napalitan ang sahig ng azoteang ito noong 1868. Naka-baldosa at mga balustre ang bahaging ito. Yari naman sa adobe ang mga dingding ng ibabang bahagi ng bahay. Kahoy at adobe naman ang ginamit na materyales para sa mga dingding sa itaas ng bahay. Nasira ang kumidon ng bahay noong 1980s. Yari sa tisa ang bubong nito dati ngunit napalitan naman ito noong 1968. Kasama sa napalitan sa isang isinagawang renobasyon ang mga bintanang jalousie na dating yari sa capiz. Noon ay nagsilbing sala ang halos buong itaas ng bahay at mayroong maliit na aklatan. Sa kasalukuyan naman ay nilagyan na nga kwarto at modernong palikuran ang itaas ng bahay. Naririto pa rin ang alahibe na dating imbakan ng kanilang mga produktong agrikultural, at nilagyan na nila ito ng dalawang silid. Nasa ibaba pa rin ang kanilang kusina.