Bahay ng mga NobleBahay ng mga Noble is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.
Ang Bahay ng mga Noble ay tinitirhan ng iba't ibang henerasyon ng pamilya Noble. Bahay ito ni Antonio de las Alas na lolo ni Ogie Alcasid, isang tanyag na mang-aawit at musikero. Naging tirahan din ito nina Victoriano Noble na dating Gobernadorcillo ng Lemery at naging medical technologist sa US, Vicento Noble na dating Coronel ng AFP, Blas Noble na naging ikalimang Mayor ng Taal, at Anita Noble na naging First Miss Philippines.
Yari sa plywood ang balustre ng hagdanan. Naging botika ang harap ng bahay noong 1975. Ginawang ballet studio ang garahe dahil hindi na ito nagagamit. Makikita naman sa loob ng bahay ang isang abstract painting na mayroon naka-posturang isang lalaki at babae, at mayroon ding "damang wana" o antigong bote na galing sa lola ni Tita Noble.
Makikita sa unang palapag ng bahay ang orihinal na pinto, hagdan, sahig at pader ng bahay. Lumobo ang pintura ng adobe dahil sumisingaw ang humedad mula rito. Makikita naman sa ikalawang palapag ang family tree, gayundin ang mga lumang gamit gaya ng piano, aparador, banya at bahilya. Luma na ang kisame ng bahay at balak itong palitan ng may-ari.
Ang dating bodega sa silong ng bahay ay ginawang dalawang kwarto. Ang dati namang garahe ay ginawang ballet office. Ang dating sala ay ginawang ballet studio.
Ang dating batalan ay kusina na ngayon.