Gian Domenico Cuasay Residence is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.
Nakatayo ang bahay na ito sa 36 A. Bonifacio Street, Zone 5, Taal, Batangas. Malapit ito sa Fame Academy of Science and Technology. Mahigit isandaamg taong gulang na ang naturang estruktura. Mayroon itong dalawang palapag. Minana ng apo ni Harlene Lacamiento ang bahay. Kalauna'y ibinenta niya ang bahay kay Julieta Cuasay.
Nabakante ang bahay nang dalawang taon dahil umalis ang mga umuupa rito.
Apat na henerasyon na ng pamilya Cuasay ang tumira sa bahay na ito.
Walang koneksyon ng kuryente sa bahay na ito. Mayroong sira ang kisame.
Nilagyan ng grills ang mga bintana noong 1950s.