Bahay ni Lerma Sagala is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.
Ang Bahay ni Lerma Sagala ay nasa orihinal nitong lokasyon simula nang ito ay maitayo noong 1923. Gawa sa kahoy ang buong itaas ng kabahayan at sinusuportahan ito ng matitibay na haligi. Mayroon itong salas, batalan, palikuran at tatlong kwarto. Gawa sa adobe ang pader ng ilalim ng bahay. Gawa naman sa kahoy ang dingding ng kwarto na katabi ng salas at mayroong disenyong kalado na malapit sa kisame. Yari naman sa kahoy at capiz ang mga bintana.
Ginawa nang kusina ang dating batalan. Dati ay lupa lang ang sahig ng ibaba ng bahay at ngayon ay sementado na ito. Nilagyan na ng mga pabuntis na rehas ang mga bintana noong 1992. Napalitan na rin ang bubong noong 2010. Ang kisame naman sa labas ng bahay ay ginamitan na ng yero. Bago na rin ang mga kisame sa loob ng bahay. Ginawa na ngayong bodega ang ilalim ng bahay.