← Back to List

Elena Cabrera House

Elena Cabrera House is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.

Itinayo ang bahay na ito humigit-kumulang na 100 taon na ang nakakaraan. Moderno ang hitsura nito ngayon ngunit mayroong plano ang nangangalaga nito na ipaayos ang bahay at ibalik ang dating disenyo nito. Mayroon silang ninunong paring EspaƱol ang nanirahan sa bahay na ito dati. Ang silong ng bahay ay dating grocery store ni Ka Elena. Nabakante nang ilang taon ang bahay na ito dahil nanirahan ang kanilang pamilya sa Mindoro. Sa pagbalik nila noong 1983 ay nadatnan nilang mahina na ang mga kahoy kaya ipinakumpuni at ipinaayos nila ang bahay. Ang mga lumang gamit sa loob ng bahay ay ipinamigay at ibinenta ng kanilang tiyuhin.
Nabago na ang halos kabuuan ng bahay. Modernong disenyo ang isinaalang-alang sa mga ginawang pagbabago. Tanging ang hagdan at ikalawang palapag na lamang ang nanatili sa orihinal nitong anyo. Makikita sa ikalawang palapag ang dalawang kwarto at sala. Medyo mahina na ang mga kisame sa ikalawang palapag. Ginawang kwarto ang dati nilang silong. Naubos na ang mga lumang gamit dito dahil naipamigay at naibenta na ang mga ito.
Hindi agad mapapansin na isang heritage house ang naturang bahay dahil marami na ang nabago rito. Moderno ang disenyo ng likod ng bahay.

Open in Google Maps