Carmela Matanguihan House is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.
Tinatayang mahigit 100 taong na ang bahay ito. Nabili ang bahay na ito noong 2006 mula kay Obduwa De Villa sa halagang Php 1,600,000.00. Maraming bahagi ng bahay ang nabago na ngunit ang itaas na bahagi ay ang orihinal pa rin nitong anyo. Isa sa mga naging tagapamahala ng bahay na ito ay isang pari na naka-destino sa Sorsogon. Miyembro siya ng Somarcan Fathers.
Medyo marami na ang nabago sa bahay na ito kung ihahambing sa orihinal na hitsura nito. Mayroon itong dalawang palapag. Nasa unang palapag ang sala at isang kwarto. Nasa itaas naman ang kusina, sala, palikuran at dalawang kwarto. Nasa orihinal pa ring anyo ang hagdan niyo. Mayroong mga antigong kagamitan sa loob ng bahay ngunit idinagdag na lamang ang mga iyon. Napangalagaan ng may-ari ang bahay kaya ito ay nasa mabuti pang kalagayan.
Bago na ang kisame sa unang palapag. Inilipat ang pinto sa dating pwesto ng bintana kung saan nasikat ang araw. Pinalitan na ang flooring ng tiles. Ang dati namang bodega ay ginawang kwarto. Tinakpan ng kahoy ang mga poste sa unang palapag upang maging maayos tingnan ang mga ito. Mayroong bahagi sa itaas ang pinadagdag na lamang upang gawing kusina at kainan. Nadagdagan ng tatlong baitang ang hagdang yari sa bato. Ang isa namang pintuan ay tinakpan na.