← Back to List

Parish Church of Saint Catherine of Alexandria | Simbahan ng Pagbilao Marker

Parish Church of Saint Catherine of Alexandria | Simbahan ng Pagbilao Marker is a Marked Structure, NHCP located at Pagbilao, Quezon, Region IV-A.

Marker Text:

Simbahan ng Pagbilao

Itinatag ang parokya ng mga Pransiskano sa simbahan noong 1685. Itinayo ang kapilyang yari sa kawayan at kogon, 1688, at naging ministro si Padre Cristobal Mortanchez. Inilipat ang simbahan sa kasalukuyang tayo ng bayan sa pamamatnubay ng Patrona Sta. Catalina de Alexandria, 1730, at naging kura paroko si Padre Francisco Xavier de Toledo. Itinayo ang simbahang bato sa pamamahala ni Padre Victorino Peralija, 1846; at natapos, kasama ang kumbento at tore, 1877, sa pamamahala ni Padre Eugenio Gomez. Nawasak noong Liberasyon, 1945, at muling ipinaayos sa pangangasiwa ni Padre Vicente Urlanda noong 1954.

Date Unveiled: July 4, 1986

Open in Google Maps