Parish Church of Saint Michael the Archangel of Bacoor | Padre Mariano Gomez Marker is a Marked Structure, NHCP; Registered Property, City of Bacoor, Cavite located at Bacoor City, Cavite, Region IV-A.
Ang Parokya ng San Miguel Arkanghel ay itinatag noong Enero 18, 1752 mula sa kapangyarihan Cedula Royal na isinabatas ni Ferdinand VI,Hari ng Espansya sa taon ng panunungkulan ni Papa Benedicto XIV, na kanyang ipinahatid kay Gobernador Heneral ng Pilipinas na si Luis Perez dasmarinas. Mula noon ito a humiwalay na sa Kawit, Kabite. Ang dating kapilya ay gawa sa awayan, pawid, at nipa na itinayo taong 1669 sa dating lugar na kinatitirikan nito ngayon. Hanggang noong 1969 ang parokya ng San Miguel Arkanghel ay sumasaklaw sa buong bayan ng Bakoor. Ang kanyang pintakasi ay ang matagumpay na larawan ni San Miguel Arkanghel ay handog ng hari ng Espanya sa mga taga-Bakoor kasama ang kanyang pilak at kahoy na karosa na napapaligiran ng maliliit na larawan ng pitong Arkanghel. Sa larawan ni San Miguel Arkanghel mapapansing ito ay nababalutan ng pilak na kasuotan, timbangan, setro, sombrero, sapatos, at mamahaling hiyas.Taos-pusong handog ng mga taga-Bakoor ang mga kasuotang ipinasusuot dito dahil sa patuloy na pamamatnubay at pagtatanggol ni San Miguel Arkanghel.
_____
Marker Text:
Padre Mariano Gomez
Naging kura paroko ng bayang ito sa loob ng 48 taon. Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Agosto 2, 1799. Nagtanggol sa karapatan ng mga paring Pilipino. Isinangkot sa pag-aalsa sa Kabite noong Enero 20, 1872 at ipinapatay noong Pebrero 17, 1872 na kasama nina Padre Jose Burgos at Jacinto Zamora.
Date Unveiled: August 5, 1972