← Back to List

Parish Church of Saint Francis of Assisi of General Trias | Simbahan ng Heneral Trias Marker

Parish Church of Saint Francis of Assisi of General Trias | Simbahan ng Heneral Trias Marker is a Marked Structure, NHCP located at General Trias City, Cavite, Region IV-A.

Marker Text:

Simbahan ng Heneral Trias

Ang unang kapilya na yari sa magagaang materyal at itinayo ng mga misyonerong Pransiskano nang ang pook na ito ay isang bisita pa lamang ng Kawit noong mga taong 1611. Isinalin sa misyong Heswita ng Cavite Puerto, 1624. Naging nagsasariling parokya, Setyembre 9, 1753. Ang simbahang yari sa bato ay ipinagawa noong 1769 sa pangunguna ni Doña Maria Josepha de Yrizzari y Ursula, Condesa de Lizarraga. Ipinaayos at pinalakihan, 1834; bahagyang napinsala ng lindol, 1880; pinalitan ang harapan o patsada, 1881; pinaganda, 1885; pinalitan ang bubong na tisa ng yero galbanisado, 1892; muling inayos at pinalaki, 1893; ibinalik sa dating anyo, 1989–1991; kinonsagra ng Obispo Felix P. Perez, Hunyo 22, 1991. Sa simbahang ito ininsayo ng Banda Matanda ang Marcha Filipina bago ito tinugtog nang ipahayag ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Hunyo 12, 1898.

Date Unveiled: December 12, 1992

Open in Google Maps