← Back to List

Parish Church of San Agustin of Bay | Simbahan ng Bay Marker

Parish Church of San Agustin of Bay | Simbahan ng Bay Marker is a Marked Structure, NHCP located at Bay, Laguna, Region IV-A.

Marker Text:

Simbahan ng Bay

Ipinatayo ni Reb. P. Martin de Rada, paring Agustino, sa Aplaya noong 1571 sa ilalim ng patronato ni San Agustin. Naging parokya noong Abril 30, 1578. Inilipat ang pangangasiwa sa mga paring Pransiskano at naging unang kura paroko si Reb. P. Domingo Martorel, 1737. Inilipat sa kasalukuyang kinatatayuan sa Poblacion sa pamamahala ni Reb. P. Geronimo Hervas at Reb. Pedro Moya, 1804. Nasira ang batong simbahan noong pananakop ng mga Hapon, 1944–1945. Muling ipinatayo ni Reb. Alejandro Vermorel, 1953. Nasakupan ng Diyosesis ng San Pablo mula noong Abril 16, 1967.

Date Unveiled: August 28, 1985

Open in Google Maps