← Back to List

Baker Memorial Hall | Pook ng Bilangguang Kampo sa Los Baños Marker

Baker Memorial Hall | Pook ng Bilangguang Kampo sa Los Baños Marker is a Marked Structure, NHCP located at Los Baños, Laguna, Region IV-A.

Marker Text:

Pook ng Bilangguang Kampo sa Los Baños

Ginamit ng mga Hapones bilang bilanguang kampo para sa mga bihag na Amerikano at ibang banyaga noong 1943. Nilusob ng pinagsanib na pangkat ng gerilyang Filipino mula sa mga kasapi ng ROTC Hunters, Hukbalahap ika-48 iskwadrong Tsino, sariling pangkat ni Pangulong Quezon, pangkat Marking, at iba pang di-regular na tropa noong 23 Pebrero 1945. Ang pinagsanib na puwersa ay inorganisa ni Tinyente Koronel Gustavo Ingles na kasapi ng Hunters at kinatawan ng puwersang Amerikanong nangangasiwa sa mga gerilya ng katimugang Luzon pinamunuan ni Tinyente Koronel Honorio Guerrero at ng ROTC Hunters ang unang salakay. Matagumpay nilang nakontrol ang paligid ng kampo at sa tulong ng mga Amerikanong miyembro ng Company B, 511th Paratroop Infantry ay napalaya ang 2,147 bilanggo.

Year Unveiled: 2005

Open in Google Maps