Tallest Rizal Monument | Jose Rizal (1861-1896) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Calamba City, Laguna, Region IV-A.
Marker Text:
Jose Rizal
(1861–1896)
Pambansang Bayani ng Pilipinas. Doktor, agrimensor, dalubwika, manunulat, makata, eskultor at pintor. Isinilang sa Calamba, Laguna, 19 Hunyo 1861. May-akda ng Noli me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), mga nobelang higit pang nagpaalab sa mga Filipino na maghimagsik laban sa Espanya. Dinakip at ipinatapon sa Dapitan, Hilagang Mindanao, 6 Hulyo, 1892. Nagboluntaryo bilang manggagamot ng puwersang Espanyol sa Cuba, 1896, ngunit muling dinakip habang patungong Espanya sa bintang na rebelyon. Binaril sa Bagumbayan (ngayo’y Liwasang Rizal), Maynila, 30 Disyembre 1896. Patuloy na inspirasyon para sa kalayan at pagkabansang Filipino.
Date Unveiled: June 19, 2011