← Back to List

Palatandaang Pangkasaysayan ng Kwartel ng Santo Domingo

Palatandaang Pangkasaysayan ng Kwartel ng Santo Domingo is a National Historical Landmark, NHCP located at Santa Rosa City, Laguna, Region IV-A.

Marker Text:

Kuwartel ng Santo Domingo

Bahagi ng asyenda ng mga Dominikano sa Santa Rosa na itinayo bilang himpilan ng mga Guwardiya Sibil, 1877. Nagsilbing tipunan at tinggalan ng mga munisyon at gamit ng pangkat ni Hen. Jose Lachambre nang kanilang salakayin ang mga manghihimagsik na Pilipino sa Silang at Dasmariñas, Cavite, 1897. Ginamit ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, 1957–1990, at ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas mula noong 1992. Mahalaga at natatanging halimbawa ng arkitekturang Filipino–Espanyol at isa sa mga makasaysayang pook sa lalawigan ng Laguna. Inihayag na Pambansang Palatandaang Makasaysayan, 21 Hulyo 2005.

Year Unveiled: 2005

Open in Google Maps